Good day fellow Teachers. Here you will find our compiled Sample Programs, Certificates, Ribbons for Graduation 2018. Thanks to all our contributors, these are made available for everyone as guide or as template. Don’t forget to Like and Share as support and thanks to our Contributors.
The links are posted right after the article below. Also, below is the Tagalog version of the Graduation 2018 message of DepEd Sec. Leonor Magtolis Brones.
Tanggapan ng Kalihim
Office of the Secretary
M E N S A H E
Malugod na pagbati sa mga completers at mga magsisipagtapos ng taong panuruan 2017-2018!Sa ngalan ng Kagawaran ng Edukasyon, malugod kong ipinahahatid ang aking pagkilala sa inyong determinasyon, pagtitiyaga at pagpupunyagi upang marating ninyo ang importanteng okasyon na ito. Kung ito man ay pagtungtong ninyo sa susunod na antas, o ganap na pagtatapos, ang mahalaga ay nagtagumpay kayo sa paglalakbay na ito.
Layunin natin na ang programang K to 12 ay mapalakas ang kakayahan ng ating minamahal na mga mag-aaral, upang sila ay masanay na mag-isip sa pamamaraang kritikal at lumutas ng mga suliranin nang buong kahusayan, maging sa lokal o pangdaigdigang pamayanan.
Ako ay umaasa na ang mga natutunan ninyo sa paaralan ay hindi upang memoryahin lamang ang mga datos o pormula, ngunit upang maiugnay ninyo ito sa tunay na kalagayan ng mundo. Kaugnay ng temang “Mag-aaral ng K to 12: Handa sa Pagharap sa Hamon ng Buhay,” ako ay umaasa na kayo ay nabigyan namin ng mga kakayahang akma sa kinakailangang kasanayan ng ika-21 siglo sa pamamagitan ng dekalidad, abot-kamay at mapagpalayang edukasyon para sa lahat.
Sa inyong pagmumuni ng inyong mga pinagdaanan at kagalakan sa inyong narating, lagi ninyong alalahanin ang inyong mga guro, magulang, pamilya, kamag-aral, mga opisyal ng paaralan, komunidad, at mga katuwang sa edukasyon na silang kaagapay ninyo sa bawat hakbang sa landas ng buhay. Nawa’y magsilbi silang inspirasyon upang kayo ay patuloy na mangarap at magsumikap, hindi lamang para sa inyong sarili ngunit
para sa inyong bansa.Anuman ang landas na inyong tatahakin pagkatapos ng mahalagang okasyong ito, nawa’y isabuhay ninyo ang mga kaugalian natutunan ninyo sa inyong paaralan at sa Kagawaran – ang pagiging Maka-Diyos, Maka-tao, Makakalikasan, at Makabansa. Alalahanin ninyong karapatan ninyo ang magkaroon ng edukasyon at ito rin ang nagbigay sa inyo ng mahalagang responsibilidad na mag-ambag sa ikabubuti ng ating lipunan.
Para sa ating susunod na mga pinuno at tagapag-buo ng bansa, binabati ko kayo at mabuhay!
LEONOR MAGTOLIS BRIONES
KalihimSource: Department of Education
Sample Programs, Certificates, Ribbons for Graduation
Sample Programs for Graduation 2018
- Closing Program of CES by Ma’am Elsie Brosas
- Graduation Program by Ma’am Marie Dale Altamera Mandawe
- Graduation Program by Ma’am Arla Rosette Austria Licerio
- Graduation Program Cover by Ma’am Margie Tomatao Ebare Alega
Sample Certificates for Graduation
- Award Certificates by Sir Tristan Asisi
- Certificate of Recognition by Ma’am Noelyn Alar Guinilac
- Certificate of Recognition by Sir Roel Dayag Dait
- Classroom Based Certificate 2017-2018 by Sir Xerces
- Sample Template Certificate (Kinder)
- Sample Template Certificate (Elementary-Grade 6)
- Sample Template Certificate (Junior High)
- Sample Template Certificate (Senior High)
Sample Ribbons for Graduation 2018
- Award Ribbon Head by Sir Tristan Asisi
- Recognition Ribbons by Ma’am Maribeth S. Tayurang
- Ribbon Heads for Graduation by Sir Tristan Asisi
Graduation Message of DepEd Sec. Leonor Magtolis Briones
Sample Programs, Certificates, Ribbons for Graduation 2018
- Credits to all file Owners and Contributors.